Pipi na bading todas sa P20 na oral sex
MANILA, Philippines - Binaril at napatay ng isang security guard ang isang pipi na bading makaraang makulitan ang una sa paniningil sa kanya ng halagang P20 bayad sa “oral sex” na ginawa ng biktima sa suspect kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Dead-on-the-spot ang biktimang nakilala lamang sa alyas na “Richard Pipi”, tinatayang nasa 25 hanggang 30 anyos, nakasuot ng spaghetti strap na blouse, mahabang palda, lady’s shoes, may tattoo sa kanang braso na “BJJ 432” at may taas na 5’4’’. Nagtamo ito ng tama ng bala sa mukha na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Himas-rehas naman ngayon ang suspect na si Lito Oxales, 33, security guard ng AAB Investigation and Security Agency at residente ng Lakeview Subd., Brgy. Pulang Lupa, Las Piñas City.
Sa ulat ni Det. Edgardo Ko ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa kanto ng Quezon at Capulong Sts., Tondo.
Nabatid na nagkasundo ang dalawa na babayaran ang biktima ng P20 para sa oral sex at nang matapos ay siningil niya ang sekyu na nagalit pa umano dahil nawawala ang pera niya sa bulsa.
Sa kabila ng sign language lamang ay kinukulit ng bading ang sekyu na umalis na lamang at nang muling magkita ay naningil umanong muli ang biktima.
Posibleng nakulitan ang suspect kaya pinutukan umano sa mukha ang bading gamit ang kalibre 38 baril na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.
Nang makita umano ng mga kasamahang bading ang nangyari sa biktima ay agad nagpasaklolo sa mga security guard na sina Abraham Tabliago at Augusto Rayses, na nakatalaga sa nasabing lugar na siyang umaresto sa suspect at narekober ang baril na ginamit sa pamamaslang.
- Latest
- Trending