^

Metro

Sa naganap na malaking sunog: Navotas nagpasaklolo kay P-Noy

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Magpapasaklolo si Navo­tas City Mayor John Rey Tiangco kay President Be­nigno “Noynoy” Aquino, III upang mabigyan ng relokas­yon ang mga naging biktima ng sunog noong Biyernes ng gabi sa lungsod.

Sa talaang nakuha sa Pub­lic Information Office ng Navotas City, umaabot sa 1,500 pamilya at 7,157 indi­bidwal ang naapektuhan ng naganap na sunog sa Davila St., Navotas West.

Sa kasalukuyan ay nahihi­rapan ang lokal na pamaha­laan sa paghahanap ng lugar kung saan dadalhin ang mga nasunugan kaya’t sinabi ni Tiangco na ilalapit nila ang kanilang problema kay P-Noy.

Umaasa ang alkalde na hindi sila tatanggihan ng palasyo dahil karamihan sa mga nasunugan ay walang naisalba sa kanilang mga gamit at sa ngayon ay uma­asa lamang ang mga ito sa donasyon na kanilang naku­kuha mula sa nagbibigay ng tulong.

AQUINO

BIYERNES

CITY MAYOR JOHN REY TIANGCO

DAVILA ST.

INFORMATION OFFICE

MAGPAPASAKLOLO

NAVOTAS CITY

NAVOTAS WEST

PRESIDENT BE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with