MANILA, Philippines - Sa kabila ng mahigpit ng pagpupursigi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na walisin ang nagkalat na pasugalan sa iba’t ibang barangay ay patuloy pa rin namamayagpag ang operasyon ng video karera at color games.
Karamihang adik sa sugal ay mga kabataan na sinasabing sangkot sa pagnanakaw, snatching at panghoholdap sa nabanggit na lungsod.
Partikular na pugad ng video karera ay ang mga Barangay Gulod, Bagbag, Sauyo, at Barangay San Bartolome sa Novaliches.
Maging sa Batasan Hills ay namamayagpag ang operasyon ng pasugalan sa mga Barangay Holy Spirit at Barangay Commonwealth.
Habang ang color games naman ang namamayagpag sa may tapat ng gateway sa Nova proper, Cubao, at Batasan terminal.
Kaya naman, nanawagan ang mga residente kay Mayor Herbert Bautista gayundin kay QCPD Director General Benjardi Mantele na bigyang pansin ang lumalalang problema na ngayon ay sangkot na ang edukasyon ng kanilang mga anak.