Welder dedo sa 2 adik

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang 47-anyos na welder ma­karaang saksakin ng da­lawang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa bahagi ng Port Area, May­nila kahapon ng madaling-araw.

Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital subalit idineklarang patay si Ruben Merculesia ng Block 9 Baseco compound ma­tapos mapuruhan sa ka­liwang dibdib.

Tugis naman ng pulisya ang dalawang suspek na sina alyas Sido, at alyas Jopel na kapwa residente ng Baseco compound.

Sa ulat ni PO3 Jay San­tos, dakong 4:30 ng mada­ling-araw nang ma­ tagpuan ng mga nagro­rondang ba­rangay tanod na sina Ru­ben Amores at Jun Ray Cabual, ang biktimang na­ka­handusay sa bahagi ng seawall.

Show comments