2 bahay sa Quezon City gumuho sa tubig-ulan

MANILA, Philippines - Dalawang tahanan ang gu­muho matapos na unti-unting lamunin ang mga ito ng malakas na agos ng tubig mula sa creek bunga ng walang humpay na pagbuhos ng ulan kama­ka­lawa ng gabi sa lungsod Quezon.

Ayon kay Buboy Eca­men, ng Brgy. Police and Security Officer (BPSO) ng Roxas Dis­trict, ang gumu­hong mga ta­ha­nan ay sakop ng compound na pag-ari ng isang Delton Bumabat na matatagpuan sa Waling-Waling St., dito.

Sinasabing ang mga ta­ha­nan na gumuho ay pag-aari ng isang Alejan­dro Esportuno at isang Bernard Majanon na naka­tayo malapit sa tabi ng creek sa nasabing lugar.

Ganap na alas-11 ng gabi nang mangyari ang pag­guho matapos ang big­la­ang bumu­hos ng mala­kas na ulan sa nasabing lungsod. Dahil sa pagtaas ng tubig-baha at pagham­pas nito sa gilid ng pader ay unti-unting nabakbak ang reprop sa ilalim ng kinati­tirikang mga bahay ng mga biktima, hanggang sa unti-unting bumuwal ang mga ito sa tubig.

Masuwerte namang agad na nakalikas ang mga pamil­yang tumutuloy dito kung kaya wala na­mang iniulat na na­saktan.

Show comments