^

Metro

2 kinatay na kelot, inanod sa breakwater

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dalawang hindi pa kilalang lalaki na hinihinalang biktima ng salvage at kapwa tadtad ng saksak, pasa at mga taga na halos maghiwalay sa bahagi ng kanilang katawan, ang nakitang lumulutang sa breakwater sa South Harbor, sa Maynila, ka­hapon ng umaga.

Inilarawan ang isa na nasa 20-anyos, katamtaman ang pangangatawan, may taas na 5’6’’, may kaitiman ang kulay ng balat, maiksi ang buhok, naka­suot ng puting stripes na t-shirt, green na short pants na bulak­lakin at blue na under­wear, habang ang isa pang biktima ay tinatayang 30-anyos, katamtaman ang panganga­ta­wan, may taas na 5’7’’, ma­itim ang kulay ng balat, semi-kalbo ang gupit ng buhok at hubo’t hubad.

Ayon sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang mapa­daan ang mga kagawad ng Philippine Coast Guard (PCG) sa break­water, sa South Harbor na dito nga na­kita ang nakalutang na mga bangkay sa magkahiwalay na lugar, bagamat di kalayuan. Isa sa may pampang at isa ay sa gitna ng breakwater.

Hinala ng pulisya, naanod sa lugar ang dalawa na po­sib­leng sinalvage sa ibang lugar. Inilagak na sa St. Harold Funeral Homes ang dalawang bangkay.

vuukle comment

AYON

DALAWANG

HINALA

INILAGAK

INILARAWAN

PHILIPPINE COAST GUARD

SHY

SOUTH HARBOR

ST. HAROLD FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with