DH na wanted sa murder, timbog sa Thailand

MANILA, Philippines - Sinalubong kahapon sa paliparan ng mga ahente ng NBI ang inarestong Pinay domestic helper na nagtago sa Thailand, gamit ang ibang pangalan para takasan ang kasong murder na kinasasangkutan sa lalawigan ng Batangas, noong taong 2005.

Kinilala ni NBI Director  Magtanggol Gatdula ang akusadong si Christen Inagaki, 22, na gumamit ng mga alyas na “Jennylyn Contreras”, at alyas “Nenita Cruz,” na nama­sukang  domestic helper sa Thailand, at residente ng Evange­lista st., Batangas City.

Nabatid na isa si Inagaki sa akusadong sinampahan ng kasong murder noong 2005 at naisyuhan ng warrant of arrest ni Executive Judge Eutiquio Quitain ng Batangas City Regional Trial Court (RTC) Branch 5 kaugnay sa pagpatay sa isang Isabel Jasmin Spira, 17-anyos na umano’y kasapi sa kanilang gang.

Nabatid na ibinalik sa bansa ng gobyerno ng Bangkok, Thailand ang akusado dahil na rin sa koordinasyon ng NBI sa Interpol ng Bangkok at sa Philippine Embassy sa Bangkok, Thailand.

Disyembre 5, 2005, ang biktima ay pinatay umano sa Lemery, Batangas ng tatlo katao.

Kabilang din sa akusado ang mga kaibigan o gangmates na sina Avril Maderazo at Ralph Sarmiento.

Show comments