^

Metro

Hazing victim ililibing na, 11 suspects laya pa

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang 19-anyos na estudyante ng University of Makati (UMAK) na nasawi dahil sa matinding pahirap na dinanas sa “hazing rites” ng Alpha Phi Omega fraternity. Sinabi ni Margarita Intia, 46, ina ng biktimang si EJ Carl Intia, kumukuha ng kursong Building and Wiring Management sa UMAK, dakong alas-12 ng tanghali magkakaroon ng isang misa sa Guadalupe Church, muling idadaan ang labi sa kanilang bahay sa Luzon St. Brgy. Pitugo, Makati at saka dadalhin sa huling han­tungan nito sa Garden of Memories Park sa Pateros. Sa kabila naman ng pagkakasampa ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law sa anim na suspek sa hazing, hindi pa kunteno si Aling Marga­rita dahil sa nakakalaya pa ang 11 sa mga suspek.             

Kabilang sa mga sinampahan ng kaso kama­kailan ng Makati police sina John Reynald Marin, 19; Michael Pagulayan, 19; Roesel Wen­ces­lao, 18; Rico Mansalapus, 31, alumni ng UMAK; at isa pang 17-anyos.

Sa kanilang sinumpaang-salaysay, inamin ng anim na naroon sila nang isagawa ang hazing mula alas-2 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi noong Agosto 14.  

Inamin ni Pagulayan na siya ang master initiator ng APO nang isagawa ng initiation rites sa bahay ng kapwa nila fraternity na si Mansa­lapus sa Mayapis St., kanto ng Catmon St., sa Brgy. San Antonio sa naturang lungsod. 

Nadiskubre naman ang bangkay ni Intia sa ilalim ng 30-talampakang bangin sa Km. 99 sa Marcos Highway, Brgy. San Laurel, Sta. Maria, Laguna noong Agosto 15.  

Sinabi ni Aling Margarita na sobrang sakit sa kanya ang pangyayari dahil sa halos apat na taon silang hindi nagkikita ng anak na si EJ Carl dahil sa nagtatrabaho siya sa Iloilo at minsanan rin lang naman magkausap sa telepono. Nakiusap ito sa ibang mga nakalalayang suspek na makonsensya sa kanilang ginawa at kusang isuko na ang sarili.

vuukle comment

AGOSTO

ALING MARGA

ALING MARGARITA

ALPHA PHI OMEGA

ANTI-HAZING LAW

BRGY

BUILDING AND WIRING MANAGEMENT

CARL INTIA

CATMON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with