^

Metro

MMDA enforcer pumailalim sa truck, pisak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pisak ang ulo ng isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos pumailalim ang minamanehong motorsiklo sa isang trailer truck  kahapon na madaling araw sa Sampaloc, Maynila.

Dead-on-the-spot dahil si Rommel Maganes, nakatalaga sa EDSA -Guadalupe Makati City dahil sa pagkasagasa sa kaniyang ulo ng trailer truck na may plakang PUU-877 na minamaneho ni Alfredo Calajeno Jaime.

Sa ulat ni SPO2 Marco Saunar, ng Manila Traffic Bureau, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang pauwi na si Maganes sa kanilang tirahan sa Remigio St., Sta. Cruz,

Maynila sakay ng kanyang motorsiklo at kaangkas ang kapatid na si Raymund Maganes nang makabungguan ang isa ring nagmomotorsiklo sa kanto ng Legarda at Jocson St.

Dahil sa bungguan, tumilapon sa kanyang sinasakyang motor­siklo si Maganes at papatayo na sana nang bigla namang mag­daan ang humahagibis na trailer truck kaya’t nahagip kaagad ang biktima na napailalim pa sa dambuhalang sasakyan.

Sumuko naman ang driver ng trailer truck na kasalukuyang nakapiit matapos sampahan ng kasong reckless impru­dence resulting in homicide. Ginagamot naman sa ospital ang kapa­tid na si Raymund dahil sa tinamong sugat at pasa.

ALFREDO CALAJENO JAIME

GUADALUPE MAKATI CITY

JOCSON ST.

MAGANES

MANILA TRAFFIC BUREAU

MARCO SAUNAR

MAYNILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT

RAYMUND MAGANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with