^

Metro

Salisi sa ospital, timbog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Sa tulong ng closed circuit television (CCTV) camera, naaresto ng mga awtoridad ang isang binata na nagnanakaw sa loob ng ospital matapos na maispatan itong sumalisi sa gamit ng isang kuwarto ng pasyente sa National Kidney Institute sa lungsod kahapon ng umaga.

Nakilala ang nadakip na si Ricky Beltran, 28, ng   Matahimik St., UP Village, Diliman, sa lungsod.

Ayon sa pulisya, kitang-kita sa monitor ng CCTV ang suspect habang aktong sumalisi ito sa kuwarto ng isang Marian Geramillo, 36, ng Mulawin St., Buenmar Subdivision, Taytay.

Nangyari ang insidente dakong alas-5 ng umaga sa may room 3008 ng NKI na matatagpuan sa Quezon Avenue, Diliman sa lungsod. Natutulog ang biktima sa nasabing kuwarto nang sumalisi ang suspect at kinuha ang isang cellphone at wallet ng biktima.

Ang pangyayari ay nasaksihan sa monitor ng operator ng CCTV sa nasabing ospital kung kaya agad niyang ipinabatid ito sa security guard. Nasa aktong papalabas na ng ospital ang sus­pect ay agad na hinarang ito ng duty guard saka kinapkapan hang­gang sa marekober ang nasabing mga gamit.

vuukle comment

AYON

BUENMAR SUBDIVISION

DILIMAN

MARIAN GERAMILLO

MATAHIMIK ST.

MULAWIN ST.

NAKILALA

NATIONAL KIDNEY INSTITUTE

QUEZON AVENUE

RICKY BELTRAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with