^

Metro

Tigil-pasada vs kolorum, kotong ikinasa

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Nagbanta ng malawakang tigil-pasada ang iba’t ibang transport groups anumang araw mula ngayon upang ipa­ rating ang kanilang mga sen­timyento kay Pangulong Noy­noy Aquino. 

Kasama sa ikinasang tigil-pasada ng transport groups ang grupo ng Liga ng Transportas­yon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Federation of Jeepney Operators and Drivers Asso­ciation of the Philippines (FEJODAP), Alliance of Trans­port Operators and Drivers Association of the Philippines, Altodap, Makati Jeepney Ope­rators and Drivers Association of the Philippines (MJODA) at iba pang transport groups mula sa mga karatig lalawigan.

Sinabi ni Orlando Marquez, National President ng LTOP at spokesman ng 1 Utak na ikina­kasa nila ang tigil pasada da­hilan sa nilulumot na ang hina­ing ng transport sector na hang­gang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naaaksiyonan.

Partikular anyang problema ng kanilang hanay ang mga illegal terminal, colorum at pa­ngongotong ng mga enforcers, laluna ng mga enforcers ng mga lokal na pamahalaan na walang habas na nagpapahirap sa kanilang paghahanapbuhay.

“Nailapit na namin ang usaping ito sa DILG at sa DOTC pero ang ginawa ni Secretary Ping de Jesus at Secretary Jesie Robredo ay nag-assign ng tao na haharap sa aming problema, hindi naman maka­pag-decide ang mga ito kaya walang nangyari sa paghingi ng tulong sa DILG at DOTC kaya sana si Pangulong Aquino na ang bahala sa aming prob­lema,” pahayag ni Marquez.

ALLIANCE OF TRANS

DRIVERS ASSO

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

FEDERATION OF JEEPNEY

MAKATI JEEPNEY OPE

NATIONAL PRESIDENT

ORLANDO MARQUEZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with