^

Metro

Port of Manila nahigitan ang July target

-

MANILA, Philippines - Nalampasan ng Port of Manila (POM) sa pa­ngunguna ni District Col­lector Rogel Gatchalian ang collection target nito sa buwan ng Hulyo ma­tapos itong magpasok sa kaban ng bayan ng P4.87 bilyon, higit ng P55 mil­yon sa target nitong P4.812 bilyon. Sa ulat ng Director of Financial Ser­vice ng Bureau of Cus­toms (BOC), ang Port of Manila ang may pinaka­malaking naipong sur­plus collection sa buong BOC ngayong taon na nagkakahalaga ng P5.86 bilyon. Kada buwan mula Enero hanggang Hulyo, nalampasan ng POM ang target nito, at noong nakaraang buwan, ang NAIA at POM lamang ang nakahigit sa target sa hanay ng mga “billionaire ports.”

Tiniyak ng mga opis­yal ng POM na bilang pag­suporta sa kanilang bagong Customs Com­mis­sioner Angelito A. Alvarez, gagawin nila ang buong makakaya para mahigitan pa muli ang target sa mga natitirang buwan. Nadagdagan ng P5 bilyon ang target col­lection ng BOC ngayong taon, at P1.5 bilyon dito ay napunta sa POM, ha­bang ang natitirang P3.5 bilyon ay pinaghatian ng 11 pang ports.

Halos 74 porsyento ng collection ng POM noong Hulyo ay galing sa Formal Entry Division, na nakakolekta ng P3.58 bilyon kumpara sa target nito na P3.53 bilyon. Mula Enero hanggang Hulyo, ang collection sur­plus ng Port of Manila ay P890 milyon, P1.38 bil­yon, P1.2 bilyon, P1.5 bil­yon, P731 milyon, P96 mil­yon, at P55 milyon, ayon sa pag­ka­kasunud-sunod.

ANGELITO A

BILYON

BUREAU OF CUS

CUSTOMS COM

DIRECTOR OF FINANCIAL SER

DISTRICT COL

FORMAL ENTRY DIVISION

HULYO

PORT OF MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with