^

Metro

Pagkatapos ng hostage crisis: Death penalty binuhay sa Senado

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Dahil sa sunud-sunod na karumal-dumal na kri­men na nagaganap sa bansa kung saan ang pinaka­­huli ay ang ma­dugong hostage crisis ng bus na dito walong Hong Kong nationals ang na­sawi, binuhay kahapon sa Senado ang usapin ng pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.

Sa privilege speech ni Senator Juan Miguel Zu­biri, sinabi nito na naka­ka­ba­hala na ang pagtaas ng mga heinous crimes at pa­nahon na upang mu­ling pag-usapan ang pag­babalik ng death penalty.

Bukod aniya sa nang­yaring madugong hos­tage crisis, isang Korean national na kararating lang sa bansa ang pina­tay sa boundary ng Pasig City at Cainta, Rizal.

Ang biktima na kinila­lang si Cho Tae Hwan ay isang pastor at ang kan­yang mga kasamahan ay kinidnap ng mga sus­pek pagkatapos ay pinaka­walan rin matapos mag­bayad ng hindi pa tinukoy na halaga.

Ayon kay Zubiri, nagi­ging bagsakan na rin ng cocaine ang bansa at mistula umanong wala ng kinakatakutan ang gu­magawa ng krimen.    Sinabi ni Zubiri na na­ni­niwala siya na kung iba­balik ang death pe­nalty para sa mga hei­nous crimes malaki ang po­sibilidad na mabawa­san ang bilang ng mga ka­rumal-dumal na krimen.

Sinabi ni Zubiri na tanging ang pagbabalik lamang ng parusang kamatayan ang solusyon upang matakot ang mga gumagawa ng karumal-dumal na krimen.

AYON

BUKOD

CAINTA

CHO TAE HWAN

HONG KONG

PASIG CITY

SENATOR JUAN MIGUEL ZU

SHY

SINABI

ZUBIRI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with