^

Metro

Trader todas sa boga

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Butas ang ulo ng isang negosyante na agad na ikinasawi nito matapos na patraydor na barilin ng hindi nakikilalang salarin sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Lolito Pasco, 32, binata ng Baluyot St., Brgy. Krus na ligas sa lungsod.

Naganap ang insidente sa may Kabalitong St., ng nasabing barangay dakong   alas-6 ng gabi.

Ayon sa isang residente si Aling Flora, kasalukuyan siyang naglilinis ng kanyang bahay nang makarinig siya ng malakas na putok ng baril mula sa labas.

Agad niyang inalam ang pinagmulan ng putok hanggang sa tumambad sa kanya ang duguang biktma na nakahandusay sa harap ng kanyang bahay.

Sinasabing naglalakad ang biktima sa lugar nang biglang sumulpot sa likuran ng biktima ang suspect at binaril ito sa ulo.

Patuloy ang pagsisiyasat ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALING FLORA

AYON

BALUYOT ST.

BRGY

BUTAS

KABALITONG ST.

KINILALA

KRUS

LOLITO PASCO

NAGANAP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with