Big 3 nag-rollback ng produktong petrolyo
MANILA, Philippines - Nagkaisa ang tatlong dambuhalang kompanya ng langis ang Shell, Petron Corporation at Chevron Philippines sa pagpapatupad ng P.75 rollback kada litro ng gasolina, diesel at kerosene. Dakong alas-12:01 ng hatinggabi nang magpatupad ng rollback ang Shell at Chevron ng nabanggit na halaga sa naturang mga produkto.
Nagbaba rin naman ang mga ito ng P.25 sentimos kada litro ng regular na gasolina. Sinundan naman dakong alas-6 ng umaga ng Petron ng pagbababa ng kahalintulad rin na mga halaga sa nabanggit ring mga produkto.
Samantala, bumaba naman kahapon ang presyo ng krudo sa internasyunal na merkado. Nabatid na bumaba ng 35 sentimo patungo sa $72.75 kada bariles ang presyo ng “light sweet crude” ng New York main contract na nakatakdang ideliber sa buwan ng Oktubre. Bumaba rin naman ng 30 sentimos patungo sa $73.32 ang kada bariles ng London Brent North Sea crude.
- Latest
- Trending