^

Metro

Trader todas sa kawatan

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang pinagbabaril hanggang sa mapatay bago ito pinagnakawan ng tatlong kalalakihan kahapon ng umaga sa loob ng kanyang tindahan  sa Valenzuela City.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Arnold Suba, 40,  may-ari ng Suba-Dizon Trading sa Sabino Compound, Maysan ng lungsod.

Sa salaysay sa pulisya ng katiwala ng biktima na si Alberto Roa, alas-2 ng madaling araw, ginising siya ng biktima dahil may bumubusina sa labas ng kanilang tindahan.

Paglabas ni Roa ay biglang siyang tinutukan ng baril ng mga suspek bago nagsipasok at nang humarang ang biktima ay agad na pinagbabaril ito.

Matapos ang insidente ay kinuha ng mga suspek ang pera at mga alahas ng biktima bago nagsitakas sakay ng isang kotse na hindi na nakuha ang plaka. Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALBERTO ROA

ARNOLD SUBA

ISANG

MATAPOS

MAYSAN

NAGSASAGAWA

PAGLABAS

SABINO COMPOUND

SUBA-DIZON TRADING

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with