^

Metro

Fil-Japanese national inutas sa piyesta

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang Filipino-Japa­nese national ang nasawi makaraang pagsasak­sakin ng kainuman sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Pasay City Ge­neral Hospital ang bik­timang nakilalang si Christian Hero Yoshioka, residente ng 2208 F.B. Harrison St., corner M. Santos St., ng naturang lungsod.

Pinaghahanap na­man ngayon ang naka­takas na suspek na si Erwin Jon Almoneda, 18-anyos, estudyante at nakatira sa #228 P. Lopez St., ng naturang siyudad.

 Sa ulat ng Pasay Police, nakipamiyesta sa kakilala nila sa panga­lang “Kuya Boy” si Almo­neda sa #346 Magtibay St., ng naturang lungsod dakong alas-5 kamaka­lawa ng hapon. 

 Nang dumating sa bahay, nagkataon rin na kumbidado pala si Yo­shio­ka na naabutan nilang nakikipag-inuman na sa loob ng naturang bahay.

Kaagad uma­nong bumunot ng patalim si Almoneda at sunud-sunod na pinagsasaksak ang biktima saka mabilis na tumakas.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang pulisya sa kasong ito.

CHRISTIAN HERO YOSHIOKA

ERWIN JON ALMONEDA

HARRISON ST.

ISANG FILIPINO-JAPA

KUYA BOY

LOPEZ ST.

MAGTIBAY ST.

PASAY CITY

PASAY CITY GE

PASAY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with