^

Metro

33 akusado sa Maguindanao massacre, huwag gawing witness

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Iginiit sa Quezon City Regional Trial Court ni multiple murder suspect Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. na huwag nitong payagan ang 33 akusado sa Maguindanao masaker na maging state witness para sa panig ng prosekusyon.

Ang kahilingan ni Andal Jr. ay isinumite ng abo­gado nitong si Atty Sigfrid Fortun sa pamamagitan ng isang mosyon na isinampa sa sala ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.

Kasama sa 33 prospective prosecution witnesses sina Takpan Dilon, Esmael Kanapia, Mohamad Sangki at mga pulis na sina Chief Inspector Sukarno Dicay at Inspectors Rex Ariel Diongon at Michael Joy Macaraeg na sinasabing nasa crime scene at nasa checkpoint pero wala namang nagawa para tulungan ang mga biktima.

Ito ay sa kabila ng pahayag ng mga Ampatuan na ang mga akusadong ito ay malinaw na kasabwat sa pagpaslang sa mga biktima at gagamitin ang mga itong witness sa kaso kahit walang malinaw na batayan na makakatulong ang mga ito na mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng masaker.

Una rito, pinaboran ni Judge Solis-Reyes ang mosyon ng dating akusadong si Police Officer 1 Johann Draper na makalaya na mula sa bilangguan dahil walang matibay na ebedensiya na nagdidiin sa kanya sa kaso. Magugunita na noong Nobyembre 23, 2009 ay 57 katao ang minasaker sa Ampatuan, Maguin­danao.

vuukle comment

AMPATUAN

ANDAL JR.

ATTY SIGFRID FORTUN

CHIEF INSPECTOR SUKARNO DICAY

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

ESMAEL KANAPIA

INSPECTORS REX ARIEL DIONGON

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

MICHAEL JOY MACARAEG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with