^

Metro

Negosyante itinumba

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang negosyante ng mga di-pa kilalang lalaki sa bahagi ng Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Tadtad ng tama ng bala sa katawan si Julito Re­polo, 50, may-asawa ng #14 Katipunan Road, Da­mong Maliit, Brgy. Nag­kaisang Nayon, Nova­liches.

Ayon kay SPO1 Francis Escobido ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police, palabas ng bahay ang biktima para magpunta sa kanyang negosyong pagti­tinda sa Novaliches Market nang pagbabarilin bandang alas-2:20 ng ma­ daling-araw.

Sinasabing matagal na naghintay ang suspek sa labas ng bahay ng biktma kung kaya paglabas pa lang nito sa kanyang bahay ay agad itong nilapitan at isinagawa ang pamamaril.

Naisugod naman ang biktima sa Nova General Hospital subalit hindi na rin ito umabot pa ng bu­ hay.

vuukle comment

AYON

BRGY

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

FRANCIS ESCOBIDO

JULITO RE

KATIPUNAN ROAD

NOVA GENERAL HOSPITAL

NOVALICHES MARKET

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with