MANILA, Philippines - Isang delivery boy ang napatay habang isa pang kasamahan nito ang malubhang nasugatan matapos na pagsasaksakin ng dalawang lalaki sa loob ng barracks sa Quezon City, ayon sa pulisya kahapon.
Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Ismael Joyo, 23, ng 2568 Cresolita St., Brgy. 766 Zone 83, San Andres Bukid, Manila.
Samantala, nasa kritikal na kalagayan si Oliver Fernandez, 22, stay-in worker sa 43 Kapilingan Street, Brgy. Doña Imelda, Quezon City.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Ronaldo Paladin ng Acebo St., Marulas, Valenzuela; at Ruel Agad ng Pasadena Drive, San Juan City.
Sa ulat ng Criminal Investigation and Detective Unit, natutulog ang mga biktima nang pumasok ang mga suspek saka ginising ang dalawa.
Bumangon naman si Fernandez at binuksan ang ilaw kung saan nakita nito ang mga suspek na may bitbit na patalim at agad siyang sinaksak ng dalawang beses sa braso.
Matapos nito, isinunod na saksakin ni Paladin si Joyo kung saan nagsil bing lookout si Agad.