^

Metro

Delivery boy pinatay sa barrack

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang delivery boy ang napatay habang isa pang kasamahan nito ang ma­lub­­hang nasugatan mata­pos na pagsasaksakin ng dalawang lalaki sa loob ng barracks sa Quezon City, ayon sa pu­lisya kahapon.

Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Ismael Joyo, 23, ng 2568 Cresolita St., Brgy. 766 Zone 83, San Andres Bukid, Manila.

Samantala, nasa kritikal na kalagayan si Oliver Fer­nandez, 22, stay-in worker sa 43 Kapilingan Street, Brgy. Doña Imelda, Que­zon City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang mga suspek na sina Ronaldo Paladin ng Acebo St., Marulas, Valen­zue­la; at Ruel Agad ng Pa­sa­dena Drive, San Juan City.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detective Unit, natutulog ang mga biktima nang pumasok ang mga suspek saka ginising ang dalawa.

Bumangon naman si Fernandez at binuksan ang ilaw kung saan nakita nito ang mga suspek na may bitbit na patalim at agad siyang sinaksak ng dala­wang beses sa braso.

Matapos nito, isinunod na saksakin ni Paladin si Joyo kung saan nagsil­ bing lookout si Agad.

vuukle comment

ACEBO ST.

BRGY

CRESOLITA ST.

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

ISMAEL JOYO

KAPILINGAN STREET

OLIVER FER

QUEZON CITY

RONALDO PALADIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with