Misis todas sa senglot na mister
MANILA, Philippines - Nagawang paslangin ng isang senglot na mister ang sariling asawa makaraang pagsasaksakin sa harap pa mismo ng kanilang anak na dalagita, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.
Nagkabutas-butas ang katawan ni Maria Elena Garibay, 38, kawani ng Rodriguez Municipal Hall at nakatira sa #30 Bautista Street, Concepcion I, Marikina City.
Naaresto naman ang suspek na si Serafin Garibay Jr., 36, pribadong empleyado at nahaharap sa kasong parricide.
Sa salaysay ng 15-anyos na anak ng biktima, dakong alas-9:30 kamakalawa ng gabi nang umuwi sa kanilang bahay ang senglot na ama at dumiretso sa kuwarto ng babae.
Makalipas ang ilang minuto, narinig na lamang niyang nagsisigawan ang mga magulang.
Inakyat naman ng da lagita ang mga magulang kung saan pagbukas ng kuwarto ay tumambad ang eksena na sinasaksak ng screw sriver ng ama ang ina.
Agad na humingi ng saklolo ang anak na dalagita sa mga kapitbahay na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek habang isinugod sa ospital ang ina na hindi na umabot ng buhay.
- Latest
- Trending