^

Metro

Kuya utas sa utol na babae

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang house painter matapos na paluin ng bato sa ulo at saksakin sa dibdib ng kanyang nakababatang utol na babae sa naganap na simpleng away pamil­ ya sa Quezon City kama­kalawa.

Idineklarang patay sa East Avenue Medical Center si Jeffrey Adonay, 39, may-asawa, house painter at residente ng Narra Street sa Brgy. Payatas.

Tugis naman ng pulisya ang 23-anyos na suspek na si Jecelyn Adonay.

Sa ulat ni PO2 Joy Marcelo ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City PNP, na­ga­nap ang krimen sa ba­­hagi ng basketball court malapit sa bahay ng bik­tima.

Sa salaysay ni Jay Mark Adonay, anak ni Jeffrey, nakikipag-inuman siya sa kanyang mga kabarkada nang mamataan niya ang kanyang tatay at lolong si Janito Adonay na nagtatalo sa nasabing lugar.

Lumilitaw na nagalit si Jeffrey sa kanyang tatay dahil sa pagbibitaw ng huli ng masamang salita sa kanya kung saan na­uwi sa matinding siga­wan na muntik ng mag­ ka­­sun­tukan.

Agad namang inawat ni Jay Mark at ng kanyang lola ang mag-ama, pero hin­di nagpapigil si Jeffrey dahilan upang inis na du­mampot ng tipak na bato si Jecelyn at pinalo sa ulo ang biktima, saka tumakas.

Subalit, makalipas ang ilang minuto, muling bu­ ma­lik si Jecelyn na may bit­bit na patalim at inun­dayan ng saksak sa dibdib ang biktima, bago tuluyang tumakas.

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JANITO ADONAY

JAY MARK

JAY MARK ADONAY

JECELYN

JECELYN ADONAY

JEFFREY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with