^

Metro

8 ektaryang lupa sa Que­zon City para sa informal settlers

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 8-ektaryang lupa na pag-aari ng pamilya Madrigal ang inilaan ng Que­zon City government upang paglipatan ng mga mahihirap sa lungsod na nakatira lamang sa mga lugar tulad ng tabing ilog at mga esteros.

Sa kanyang State of the City Address (SOCA), sinabi ni QC Mayor Herbert Bautista na P50 milyon ang ipambibili ng lokal na pamahalaan sa naturang lupain na mata­tagpuan sa boundary ng Quezon City at Montalban Rizal.

Nakapagbigay na ng pa­unang bayad ang pamahala­ang lokal ng QC sa pamilya Madrigal para sa pagbili ng lupa na nagkakahalaga ng P700 kada metro kwadrado.

Sinabi ni Bautista na ku­mikilos na ang kanyang admi­nistrasyon upang mailipat ang mga residente ng lungsod na nakatira sa lubhang mapa­nga­nib na lugar para matiyak ang kanilang kaligtasan at mabigyan ng disenteng tirahan.

Kasabay nito, nagbabala din si Bautista na mahaharap sa kaukulang parusa ang sinumang opisyal ng ba­rangay na magpapahintulot sa mga informal settler na magtayo ng illegal na istruk­tura sa kanilang barangay.

Inatasan din ni Bautista ang building official at kon­seho ng lungsod Quezon na maging mahigpit sa pagba­bantay sa mga nagtatayo ng mga delikadong istruktura sa lubhang mapanganib na lugar.

BAUTISTA

INATASAN

KASABAY

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MONTALBAN RIZAL

QUEZON CITY

SHY

STATE OF THE CITY ADDRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with