^

Metro

NBI di bubuwagin, old glory ibabalik

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gat­dula na walang katotohanan ang isyung pag­buwag sa ahensiya bagkus ay sinisimulan na ang mga hakbang upang maibalik ang “old glory” nito.

Ayon kay Gatdula, nagtatag siya ng isang grupo na bubuo at magpapatupad ng 3-5 year program na magpapalakas pa sa kakayahan ng NBI. Posibleng ‘taken out of context’ ang sina­sabing pahayag niya na pinangangam­bahang malusaw na ang NBI dahil sa re­dundant functions lamang sa trabaho ng Philippine National Police (PNP).

Hindi umano niya sinabing dapat nang i-abolish ang NBI, bagkus ay ang tinutukoy lamang niya ay ang ilang yunit na kanyang binuwag dahil sa pagdodoble ng trabaho, nang siya ay maupo bilang director.

Ayon kay Gatdula, pinayuhan niya noon ang mga opisyal at ahente ng NBI na huwag nang magsagawa ng raid sa mga nightclub at pasugalan at hayaan na lamang ito sa mga pulis at harapin at tutukan ang mga di pa nare­resolbang big-time at high-profile cases na pinondohan ng United Nations Development Program (UNDP), para palakasin ang criminal justice system.

Hindi naman naniniwala si Gatdula sa rekomendasyon ng UNDP.

vuukle comment

AYON

DIRECTOR MAGTANGGOL GAT

GATDULA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POSIBLENG

SHY

TAHASANG

UNITED NATIONS DEVELOPMENT PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with