^

Metro

Pakistani, timbog sa abortion pills

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Arestado ang isang Pakistani matapos na ma­hulihan ng 5,000 tab­letas na pampalaglag sa Quezon City kamaka­lawa ng gabi.

Ayon kay PNP-Crimi­nal Investigation and De­tection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Leon Nilo de la Cruz, si Mohammed Hanif , 53 ay inaresto sa parking area ng Shop­wise Super­market sa Libis, Quezon City ban­dang alas-7 ng gabi.

Isinagawa ng mga ope­ratiba ang operasyon matapos na makatang­gap ng imporasyon hing­gil sa iligal na pagbe­benta ng dayuhan ng na­sabing mga gamot.

Hindi na nakapalag si Hanif matapos na ma­aktu­han ng mga awtori­dad na nagbebenta ng tab­letas na cytotec.

Ang cytotec drug na may generic name na mi­so­prostol ay gamot laban sa gastric ulcers subalit ginagamit para sa abor­tion o paglalaglag ng sanggol.

Nakatakas naman ang kasamang lalaki ni Hanif na mabilis na su­ma­kay ng isang kulay abong Nissan Vanette na may plakang WFH-397.

Nahaharap ngayon ang dayuhan sa kasong paglabag sa Republic Act 8203 o Law on Counter­feit Drugs; RA 3720 o Food, Drugs and Cosme­tic at RA 4729 o Law on Contraceptive Drugs and Devices.

CHIEF P

DIRECTOR LEON NILO

DRUGS AND COSME

DRUGS AND DEVICES

INVESTIGATION AND DE

MOHAMMED HANIF

NISSAN VANETTE

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with