'Handa akong humarap sa imbestigasyon,' - Binayug
MANILA, Philippines - Hindi itinanggi at hindi rin umamin si Senior Inspector Joselito Binayug nang tanungin kung siya ang nasa cellphone video na nakitang nag-torture sa isang suspect sa snatching-holdup, sa loob ng Police Community Precinct sa Tondo, Maynila.
Ito ang ipinahayag kahapon ni MPD-Director General Rodolfo Magtibay, na nagsabing nasa kostudiya niya si Binayug, ang hepe ng Asuncion PCP na sakop ng MPD-station 2.
“Wala siyang comment. Basta and sabi niya handa siyang humarap.“I explain to him that he is now under restrictive custody at the (MPD) headquarters because of his involvement in the case,” ayon kay Magtibay.
Itinanggi rin nito na nagtatago siya matapos ilabas ang controversial na video footage
“I will face it in a proper forum and let my counsel speak on my behalf, ” ani Binayug.
- Latest
- Trending