^

Metro

800 kilo ng 'hot meat' nakumpiska

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 800 kilo ng “hot meat” ang nakumpiska ng mga tauhan ng Veterinary Inspection Board (VIB) sa tatlong lugar sa Tondo, Maynila na pinaniniwalaang ibabagsak sa mga palengke sa Metro Manila habang 100 kilo namang sinasabing iligal na kinatay.

Batay sa report, nakumpiska ang mga botcha sa Lacson, Sisa at Maginoo Sts. sa Tondo habang ang mga iligal na kinatay ay sinalakay sa Blumentritt Market.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng “hot meat” dahil malaki ang posibleng maging epekto nito sa kalusugan ng sinumang makakain nito.

Sinabi ni Lim na tanging ang mga karneng baboy at baka lamang na sumailalim sa inspection ang maaaring ibenta sa pub­ liko. Mas makabubuti umanong   hanapin ang meat inspection certificate sa mga produkto na ibinebenta sa mga palengke.

AYON

BATAY

BLUMENTRITT MARKET

LACSON

MAGINOO STS

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

METRO MANILA

VETERINARY INSPECTION BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with