^

Metro

MMDA radio at television isasara na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinatigil ni Metro­po­litan Manila Development Authority (MMDA) Chair­man Francis Tolentino ang radio at television station nito na MMDA RTV bilang isang pa­raan ng pagtitipid sa gastusin ng ahensiya.

Nabatid mula kay To­lentino na umaabot ng halos P1 milyon kada buwan ang naga­gastos ng ahensya para sa ope­rasyon ng MMDA RTV na hindi naman nagiging epek­tibo sa pagpapa­rating sa publiko sa sit­was­yon sa trapiko at ka­nilang mga proyekto.

Ang MMDA RTV ay mapapakinggan sa 1206 kilohertz sa AM band sa radyo at ma­papanood naman sa Channel 4 ng Destiny Cable para sa isang buong araw ng impor­masyon sa daloy ng trapiko at mahaha­la­gang anunsyo ng ahen­sya at ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila na bumu­buo sa Metro Manila Council.

Nalikha ang MMDA RTV noong panahon ni dating Chairman Ba­yani Fernando na kilala sa pagpapatupad ng mga kakaibang pro­grama at proyekto.

Sinabi ni Tolentino, ba­gama’t maganda ang la­yunin ay hindi naman sapat ang dami ng tao na nakaka­panood sa cable TV at nakikinig sa radyo para maging sulit ang gina­gastos sa operasyon ng mga ito.

CHAIRMAN BA

DESTINY CABLE

FERNANDO

FRANCIS TOLENTINO

IPINATIGIL

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

NABATID

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with