Huling hitit: Karpintero bumili ng yosi, dinedo

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 29-anyos na karpintero nang barilin ng hindi nakilalang lalaki habang bumibili ng yosi sa isang tindahan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Arnel Dongga, ng Block 9, Baseco compound, Port Area.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen habang nanga­ngalap ng impormasyon sa pagkikilanlan sa tumakas na gun­man. Dakong alas-10 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng isang tindahan sa Block 9 Baseco compound, Tondo.

Bumili umano ng sigarilyo ang biktima kasama ang live-in partner na si Manelyn Esquillo. Nagkukuwentuhan pa umano ang biktima at si Esquillo habang naninigarilyo nang marinig ang magkakasunod na putok ng baril at nakitang bumulagta ang biktima, habang ang lalaking suspect ay hindi namukhaan bunga ng may kadiliman sa lugar at mabilis na tumakas.

Show comments