^

Metro

Mister nagbigti matapos todasin si misis

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines -  “Sa inyong mga kapatid ko, patawrin nyo ako di ko snasadya punong-puno na kami ng problema ni Len aksidenteng napatay ko sya, ihingi nyo na lang ako ng tawad kay mame at dade paalam sa inyong lahat pagod na pagod na ako sa mga panlolokong ginagawa skin – PTWAD, Si Shai nsa kwarto paki punthan.”

Ito ang mensahe sa text na natanggap ng kapatid ng 45-anyos na jeepney ope­rator bago nadatnang walang buhay at nakabigti matapos mapatay ang kanyang misis sa Tondo, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Lumipas pa ang ilang oras bago nadiskubre na kapwa bangkay na ng da­lawang nakilalang sina Valentino Perez ng F. Varona St., Tondo; at Kris­leen M. Celis, 25-26 an­yos, dating call center agent na tubong Taytay, Rizal.

Sa inisyal na ulat ni PO3 Jay Santos ng Manila Po­lice-Homicide Section, dakong alas-12:20 na ng madaling-araw nang ma­diskubre ang krimen ni Lili­beth Cruz, kapatid ni Perez matapos matanggap ang text na humihingi ng tawad at habilin na kunin ang anak sa kanilang kuwarto.

Nagtungo si Cruz sa tahanan ng kapatid upang alamin kung totoo ang nangyari subalit patay na nang makita niya ang ka­patid na nakabigti sa ki­same ng bahay.

Nakita rin umano niya ang bangkay ni Celis na ma­tigas na at nakahiga sa sofa na may nakatakip na unan.

Sinabi ni Cruz sa pu­lisya na may limang taon nang nagsasama ang ka­patid at si Celis at noong Mayo, 2010 ay nagkaroon ng di-pag­kakaunawaan ang da­lawa dahil sa selos na mun­tik nang mauwi sa kanilang hiwalayan.

Posibleng dinaganan ng unan upang hindi makahi­nga si Celis, hanggang sa ma­­­tuluyan dahil walang na­kitang palatandaan na pi­na­hirapan o sugat sa katawan.

Posibleng nagsisi si Perez nang makitang na­patay si Celis kaya nagpa­tiwakal na rin.

Patuloy pa rin ang isina­sagawang imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

CELIS

CRUZ

HOMICIDE SECTION

JAY SANTOS

MANILA PO

PEREZ

POSIBLENG

SHY

SI SHAI

VALENTINO PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with