Traffic enforcers 24 oras sa kalye
MANILA, Philippines - Simula ngayong Lunes, magpapakalat na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga traffic enforcers mula gabi hanggang madaling-araw upang mas higit na maipatupad ang “anti-colorum policy” ng ahensya.
Batay sa dating set-up, pumapasok ang mga enforcers ng dalawang shift: 6am-2pm at 2pm-10pm.
Dadagdagan naman ito ng isa pang shift na mula 10pm-6am upang makatiyak na mas nababantayan ang mga pangunahing kalsada sa loob ng 24 oras.
Bukod sa panghuhuli sa mga colorum, “overspeeding”, mga lasing na driver, nagka-counter flow, pamamahalaan rin ng mga ito ang maayos na daloy ng trapiko lalo na kung umuulan, may baha at kung may aksidente.
Inaasahan naman na bababa ang bilang ng mga aksidente sa pagpapakalat ng mga traffic enforcers na magbabantay sa mga pasaway na mga drivers tuwing gabi.
- Latest
- Trending