^

Metro

ICTSI, iimbestigahan ng konseho

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nakatakdang imbestiga­han ng konseho ng Maynila sa pamamagitan ng binu­ong an ad-hoc committee ang pakiki-alam umano ng International Container Ter­minal Services, Inc. (ICTSI) sa isinasagawang reclamation sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.

Ayon sa officials documents, walang sinuman ang pinapayagang magsagawa ng anumang reclamation. Ang ICTSI ay maritime terminal operator ng Port of Manila at itinatag ni Enrique K. Razon, Jr.

Sinabi ni Vice Mayor Isko Moreno na mayroong kasa­lukuyang ordinansa na nag­bibigay ng karapatan sa city government na bantayan at proteksiyunan ang lugar.

Maaari lamang umanong magsagawa ng reclamation kung may consent ang alkalde ng Maynila at kaila­ngan na dumaan sa kon­seho.

Lumilitaw na walang anu­mang isinumiteng doku­mento ang ICTSI .

Ayon naman kay 3rd District Councilor Joel Chua, may akda ng resolution ka­ilangan na pangalagaan at iregulate ang bahagi ng tubig na nasasakupan ng lungsod ng Maynila upang mas mabigyan ng protek­siyon.

Ang ad-hoc committee na magsasagawa ng imbes­tigasyon ay kinabibilangan nina Councilors Ernesto Isip, Jr., Chairman; Joel R. Chua, Vice Chairman; Honey Lacuna-Pangan, Marlon Lac­son, Casimiro Sison, members.

AYON

CASIMIRO SISON

COUNCILORS ERNESTO ISIP

DISTRICT COUNCILOR JOEL CHUA

ENRIQUE K

HONEY LACUNA-PANGAN

INTERNATIONAL CONTAINER TER

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with