MANILA, Philippines - Umapela si Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Finance Secretary Cesar Purisima na apurahin na nito ang pagpapalabas ng guidelines sa Franchise tax ng telecommunication firms.
Nabuo ang panawagan ng alkalde makaraang malaman niyang matagal na palang aprubado ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) at ng Local Treasurers nationwide ang circular at pamantayan nito sa franchise tax.
“The directive will not only benefit Quezon City but will serve also as a guide to all LGUs nationwide in the collection of local franchise tax”, bida ni Bautista.
Pagmamalaki naman ni Quezon City Administrator Dr. Victor Endriga, dating City Treasurer, na maning-mani lamang sa kanya ang makakolekta ng P500 million sa Franchise Tax sa oras na maipalabas na ang sirkulo ng Finance Department.
“Based on the 2009 Financial Statements of the top two high-earning telecoms alone, LGUs could not collect at least P1.4 billion local franchise tax this year due to the long-waited circular and guidelines pending before the Finance Department”, arya naman ni Endriga.
Nabatid pa kay Endriga, kapag lumabas ang nasabing pamantayan, puwede nang kumolekta ang mga Local Treasurer ng franchise tax sa lahat ng telecom company ng 75% ng 1% gross sales ng mga ito na sakop ng bawat LGU’s.