^

Metro

Franchise tax guidelines madaliin - Bistek

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Umapela si Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Finance Secretary Cesar Purisima na apurahin na nito ang pagpapalabas ng guidelines sa Franchise tax ng  telecommunication firms.

Nabuo ang panawagan ng alkalde makaraang ma­laman niyang matagal na palang aprubado  ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) at ng  Local Treasurers nationwide ang circular at pamantayan nito sa franchise tax.

“The directive will not only benefit Quezon City but will serve also as a guide to all LGUs nationwide in the collection of local franchise tax”, bida ni Bautista.

Pagmamalaki naman ni Quezon City Administrator Dr. Victor Endriga, dating City Treasurer, na maning-mani lamang sa kanya ang makakolekta ng P500 million sa  Franchise Tax sa oras na maipalabas na ang sirkulo ng Finance Department.

“Based on the 2009 Financial Statements of the top two high-earning tele­coms alone, LGUs could not collect at least P1.4 billion local franchise tax this year due to the long-waited circular and guidelines pending before the Finance Depart­ment”, arya naman ni  Endriga.

Nabatid pa kay Endriga, kapag lumabas ang nasa­bing pamantayan, puwede nang kumolekta ang mga Local Treasurer ng franchise tax sa lahat ng tele­com company ng  75% ng 1%  gross sales ng mga ito  na sakop ng bawat LGU’s.

BUREAU OF LOCAL GOVERNMENT FINANCE

CITY TREASURER

DR. VICTOR ENDRIGA

ENDRIGA

FINANCE DEPART

FINANCE DEPARTMENT

FINANCE SECRETARY CESAR PURISIMA

FINANCIAL STATEMENTS

FRANCHISE TAX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with