^

Metro

Public toilets sa Maynila minomonitor

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagsasagawa ngayon ng monitoring ang tangga­pan ni Manila City Administrator Jesus Mari Marzan   hinggil sa mga public toilets sa lungsod na ngayon ay ginagawang barangay hall at mga tirahan.

Ayon kay Marzan, hindi umano maaaring okupahan ng sinuman ang mga public toilets dahil ito ay nakalaan para sa kapakanan ng publiko.

Sinabi ni Marzan na ma­rami na siyang natanggap na reklamo na karamihan sa mga ito ay ginawang baran­gay hall at tirahan ng mga squatters na nagdu­dulot na rin ng pagdumi ng lugar.

Sa ipinakitang report ni Marzan, lumilitaw na 47 ang public toilets sa Maynila habang 21 na lamang ang   na­gagamit ng publiko.

Dahil dito, sinabi ni Mar­zan na malaking kuwestiyon kung sino ang nagbabayad ng tubig at kuryente ng mga public toilets na ginawang barangay hall at tirahan. Aniya, sa kasalukuyan, ang city government ang siyang nag­babayad ng kuryente at tubig sa mga public toilets.

Ipinaliwanag ni Marzan na kailangan na munang du­maan sa city council ang mga ganitong usapin saka­ling nais na I-convert ang public toilets sa barangay hall o ibang istruktura.

Giit ni Marzan, layunin ni Manila Mayor Alfredo Lim na linisin ang Maynila mula sa squatters at mga krimen na kadalasang kinasasang­kutan ng mga kabataan.

ANIYA

AYON

DAHIL

MANILA CITY ADMINISTRATOR JESUS MARI MARZAN

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MARZAN

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with