^

Metro

Holdaper todas sa parak

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang hinihinalang holdaper nang sita­hin ito at manlaban sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahil sa bitbit na dalawang bag na pambabae, habang nagsasagawa ng “Oplan Sita” matapos maholdap ang isang estudyante, kama­kalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Vincent Obrigo, alyas “Chetong”, 37, miyembro ng Commando gang at residente ng Tindalo St. Tondo, Maynila.

Idineklara itong dead-on-arrival dakong alas-11:45 ng gabi sa Gat Andres Bonifacio Hospital bunga ng tinamong mga bala sa ulo at katawan.

Nabatid na bago ang insidente, nang mag­reklamo sa tanggapan ni MPD-Station 2 ang estudyante ng City College of Manila (CCM) na si Christine Panlilio ma­tapos maholdap sa Jose Abad Santos corner Mayhaligue Sts., Tondo, Maynila.

Agad namang nagsagawa ng operasyon ang pulisya kung saan dito namataan ang nasawi na may kahina-hinalang kilos at may dala pang 2 bag ng babae habang naglalakad sa Moriones St., patungo sa direksiyon ng Juan Luna.

Nang sitahin ng pulisya, imbes na huminto ay agad itong bumunot ng baril at saka nagtangkang barilin ang mga pulis.

Gayunman, napilitan na ang mga awtoridad na unahan ito ng putok na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

CHRISTINE PANLILIO

CITY COLLEGE OF MANILA

GAT ANDRES BONIFACIO HOSPITAL

JOSE ABAD SANTOS

JUAN LUNA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYHALIGUE STS

MAYNILA

MORIONES ST.

OPLAN SITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with