^

Metro

2 pang fetus natagpuan sa Maynila

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Dalawang sanggol na naman ang hindi binigyan ng pagkakataon ng kani-kanilang mga ina na maisilang sa mundo.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, ang mga fetus, na pinaniniwalaang itinapon mismo ng kanilang mga ina, ay natagpuang inabandona sa magka­hiwalay na lugar sa Maynila nitong Huwebes.

Unang natagpuan dakong alas-12:30 ng hapon ang isang babaeng fetus, na nasa pito hanggang walong buwang gulang na, sa isang trash can sa Luneta Park sa Ermita, Manila.

Isang di pinangalanang security guard, na kasalukuyang nag-i-inspeksiyon sa lugar, ang nakadiskubre sa fetus na itinapon sa isang trash can, kaya’t ini-report ito sa pulisya.

Samantala, dakong alas-6:00 naman ng gabi nang matagpuan ng mga naglalarong bata ang isa pang fetus, malapit sa dagat, sa Purok 5 Dulo Isla Puting Bato sa Tondo.

Tinatayang nasa tatlo hanggang apat na buwan pa lamang ang fetus kaya’t hindi pa batid ang kasarian nito.

Ang dalawang fetus ay kasalukuyang naka­lagak sa St. Harold Funeral Homes para sa safekeeping ng mga ito.

vuukle comment

BATAY

DALAWANG

DULO ISLA PUTING BATO

ERMITA

FETUS

HOMICIDE SECTION

HUWEBES

LUNETA PARK

MANILA POLICE DISTRICT

ST. HAROLD FUNERAL HOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with