^

Metro

Judge sa kaso ni Jason Ivler, kumalas

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Tuluyang nang nag-inhibit o binitawan na ng hukom ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) na mahawa­kan nito ang kasong kriminal ng road rage suspect na si Jason Ivler.

Sa kanyang 2 pahinang order­, sinabi ni QCRTC Branch 77 Presiding Judge Alexander Balut na nagde­sisyon siya na mag-inhibit sa kaso upang maglaho na ang pag-aalinlangan ng prose­kusyon na siya ay may kiniki­lingan.

Marami ang nagulat ka­hapon sa desisyong ito ni Judge Balut dahil sa nag­daang mga hearing ay dala­wang beses niyang inisnab ang mga petisyon na bita­wan na nito ang paghawak sa naturang kaso.

Gayunman, sinabi ni Judge Balut na malaki ang kan­yang paniwala na naga­gawa niya ang lahat alinsu­nod sa itinatakda ng batas at konstitusyon at patas la­mang niyang napapa­nga­siwaan at nabibigyan ng hustisya ang isinagawang mga pagdinig sa mga hina­ha­wakang kaso.

Una nang inakusahan ng prosekusyon na bias ito sa pag­­­tratato sa kaso ng aku­sado

Sinabi ni Judge Balut na ang rekord ng kasong ito ay ibibigay sa tanggapan ng Exe­­cutive­ Judge sa pama­magitan ng Office of the Clerk of Court para sa re-raffle ng kaso. 

vuukle comment

GAYUNMAN

JASON IVLER

JUDGE BALUT

MARAMI

OFFICE OF THE CLERK OF COURT

PRESIDING JUDGE ALEXANDER BALUT

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

SHY

SINABI

TULUYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with