^

Metro

Makati officials nasa 'hot water'

-

MANILA, Philippines - Nahaharap ngayon sa kaso si Makati Vice Mayor Romulo V. Peña at isang konsehal ng lungsod matapos na kasuhan ni Atty. Ana Luz B. Cristal, Secretary to the Sangguniang Pan­lungsod dahil sa umano’y “grave abuse of authority and discretion” makaraang balewalain ang huli at magtalaga ng bagong City Secretary.

Si Cristal ay itinalaga ni dating City Mayor at ngayon ay Vice President Jejomar C. Binay bilang Sanggunian Secretary nuong Marso 2010.

Ang pagkakatalaga kay Cristal ay kinumpirma ng Civil Service Commission na may kapareho ding posisyon ng City Government Department Head II na may permanenteng status.

Sa reklamo ni Cristal, siya ay pinapalitan ni Peña ng magsagawa ito ng “Inaugural Session” nitong Hulyo 15 at inilagay si Anna Marie M. Dator bilang kanyang kapalit.

Noong Hulyo 20 ay sumulat ng memo si Cristal kay Peña upang ipabatid na ang kanyang ginawang pag-apoint kay Dator ay isang malinaw na paglabag sa Section­ 25, Article VIII of RA 7854, na mas kilala bilang Charter of the City of Makati na kung saan tanging ang alkalde lamang ng lungsod ang may karapatan magtalaga ng Sanggunian Secretary.

Bukod sa bise alkalde, kasamang kinasuhan ni Cristal sina Dator at City Councilor Nemesio S. Yabut, Jr. bilang co-respondent ni Peña matapos ang nakaka­insulto at pamamahiyang privilege speech ng konsehal.

Kasamang isinampa ni Cristal ang paghingi nito sa korte na pagbayarin sina Peña at Yabut ng P1 milyon moral damage­, P200,000 para sa attorneys fee at cost of suit.

ANA LUZ B

ANNA MARIE M

CHARTER OF THE CITY OF MAKATI

CITY COUNCILOR NEMESIO S

CITY GOVERNMENT DEPARTMENT HEAD

CITY MAYOR

CITY SECRETARY

CRISTAL

DATOR

SANGGUNIAN SECRETARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with