^

Metro

2 binoga sa jeep, utas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawa ang patay, habang isang estudyante ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng dalawa sa tatlong motorcycle riding suspect ang loob ng da­la­wang pampaherong jeep­ney sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot ang bik­timang si Ricardo Reyes, 53, at isang hindi nakikilalang biktima na nakasuot ng polo shirt na may tatak na Our Lady Lourdes College, at long pants.

Kinilala naman ang sugatang si Deo Michael Osiana, 18, HRM student sa Far Eastern University hospital na ginagamot sa Bernardino Hospital.

Patuloy naman ang pag­tugis ng pulisya sa tatlong mga suspect na sakay ng isang motorsiklo at tumakas patungo sa Novaliches.

Nangyari ang insidente sa may harap ng Holy Cross Memorial Park sa Quirino Highway, Brgy. San Bartolome ganap na alas-11:30 ng umaga.

Sa pagsisiyasat, sakay umano ang biktimang si Reyes sa jeepney (PXP-199) na biyaheng Nova-Blu­mentritt nang biglang mag-overtake ang motor­siklo sakay ang tatlong kalalakihang suspect. Da­lawa sa mga suspect ang biglang bumaba sa motor­siklo at saka nilapitan mula sa likuran si Reyes at binaril sa katawan.

Matapos nito, hinabol naman ng mga suspect ang biktimang naka-suot ng Our Lady of Lourdes College habang nagpapa­putok ng baril sa ere.

Para maka-iwas sa mga suspect ang nasabing biktima ay agad na suma­kay ito sa isa pang pampa­saherong jeepney (NXX-292) na minamaneho ni Luis Tapispisan, 45.

Pagsakay ng jeepney ng biktima ay binaril ito ng mga suspect at tinamaan sa paa, pero kahit sugatan ay nagawa pang maka­baba nito, hanggang sa pagbabarilin muli ng mga huli sa likuran dahilan upang bumuwal na ito sa kalsada.

Ilang sandali ay nakita ring sugatan si Osiana matapos na tamaan ng ligaw na bala sa paa.

vuukle comment

BERNARDINO HOSPITAL

DEO MICHAEL OSIANA

FAR EASTERN UNIVERSITY

HOLY CROSS MEMORIAL PARK

LUIS TAPISPISAN

OUR LADY LOURDES COLLEGE

OUR LADY OF LOURDES COLLEGE

QUIRINO HIGHWAY

REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with