Binatilyo todas sa 3 holdaper

MANILA, Philippines - Napatay sa saksak ang isang 18-anyos na bina­tilyo nang makorner ng tatlong lalaking holda­per na kanyang iniwasan upang hindi maagaw ang cellphone sa Tondo, May­nila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Tondo ang bik­timang si John Carlo Denver, ng Bontoc St., Tondo, Maynila sanhi ng tama ng saksak sa ka­tawan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa mga suspek na tumakas ma­ta­pos ang insidente.

Sa ulat ni Det. Danilo Vidad ng Manila Police District-Homicide Sec­tion, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa riles sa Her­mosa St., Tondo.

Naglalakad umano ang biktima sa lugar habang nagti-text nang lapitan ng tatlong suspect at tinangka ng isa na aga­win ang cell­phone subalit nagawang agawin muli ng biktima at nagtatakbo upang umiwas.

Hinabol siya ng mga suspect at nang maabu­tan ay pinatulungang sak­sakin bago tinangay ang cell­phone.

Show comments