^

Metro

P6 tapyas sa presyo ng LPG, ipinatupad

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagtapyas ng P6 sa kada 11 kilong tangke ng liquefied petroleum gas ang mga small players na miyembro ng LPG Marketers Association, um­pisa kaninang madaling-araw.

Inihayag ni Arnel Ty, taga­pangulo ng LPGMA, na d­a­kong alas-12:01 ng madaling- araw nag-umpisa ang ka­nilang rollback na P.50 kada kilo ng LPG. 

Inaasahan na maglalaro na lamang sa P524 ang kada tangke ng LPG buhat sa P530. Paliwanag ni Ty, nag­baba ng contract price ang LPG sa internasyunal na merkado nitong nakaraang buwan na naging sanhi ng rollback.

Inaasahang magtu­tuluy-tuloy ang pagbaba ng presyo nito sa internasyunal na pa­milihan kaya posible umano na mag­karoon pa ng dalawa pang pagbaba sa halaga nito sa mga darating na linggo nga­yong buwan, ayon kay Ty.

Nabatid na may 40 LPG retailers na miyembro ang LPGMA na magbababa ng presyo kabilang na ang Island Gas, Regasco Gas, Pinnacle Gas, Cat Gas, M-Gas, Omni Gas at Nation Gas.

ARNEL TY

CAT GAS

GAS

ISLAND GAS

MARKETERS ASSOCIATION

NATION GAS

OMNI GAS

PINNACLE GAS

REGASCO GAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with