No bail sa nagtangkang kumidnap sa tatay ni Sarah

MANILA, Philippines - Pormal nang kinasuhan ng pamunuan ng Quezon City Police kahapon ang aircraft technician na nagtangkang dumukot sa tatay ng singer- actress na si Sarah Geronimo sa basement ng ABS-CBN network sa lungsod Quezon.

Kasong kidnapping na walang katapat na piyansa ang ibinabang hatol ni Asst. City Prosecutor Reuben Ritzuko Veradio sa akusa­dong si Paulino Mer­cado, 43, ng Co. J. Elises, Taclong 1st 1, Cavite City.

Ayon kay PO2 Ranilo Men­doza, imbestigador sa kaso, inamin umano ng aku­sado sa piskal na pagna­nakaw o robbery lamang ang pakay niya sa biktima. Ngunit dahil sa mga kaganapan, lalo na kung papaano ang ginawa ng akusado sa biktima ay hindi naniwala ang piskal lalo na nang gamitan niya ito ng pa­ngunguryente na indikas­yon umano na may maga­ganap na pagdukot kung kaya kid­napping ang naging hatol laban sa kanya.

“Nagtataka nga ang piskal dahil bakit sa loob ng mis­mong compound ng ABS-CBN niya gagawin ang pag­nanakaw kung robbery nga ang pakay niya eh, mahigpit ang mga security don,” sabi pa ni Mendoza.

Ang kaso ay nag-ugat sa inihaing reklamo ng tatay ni Sarah na si Delfin Geronimo, 55, ng Saint Cathedral Execu­tive Village, Tandang Sora ma­­­­tapos na tangkain siyang dukutin ni Mercado sa may basement 1 ng parking area ng ABS-CBN na matatagpuan sa Eugenio Lopez Drive, Brgy. South Triangle sa lungsod, Linggo, ng ala-1 ng tanghali.

Sinasabing lumapit kay Ge­ronimo ang suspect para ipa­kuha rito ang regalo uma­nong bigay ng iniisponsor nitong produktong shampoo. Dahil nakumbinsing totoo ang sinasabi ng sus­pect ay agad na sumama si Gero­nimo sa una, ngunit pagsapit sa loob ng sasakyan ay saka umano ki­nur­yente ng una ang huli sa balikat. Pero sa kabila nito ay ma­bilis na nakakilos si Gero­nimo at agad na siniko nito ang suspect dahilan para maka­kawala siya at maka­takbo papalayo saka humingi ng tulong sa guwardiya ng na­sabing network at ipinaaresto ang suspect.

Kasalukuyang nakapiit nga­yon ang suspect sa QCPD Station 10 habang inihahanda ang pagdadala dito sa city jail na siyang may hurisdiksyon dito.

Show comments