^

Metro

'Patrimonial property' ng Maynila, tutukuyin

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Manila 1st District Councilor Niño dela Cruz na sinisimulan na nilang tukuyin ang mga patrimonial property ng lungsod ng May­nila na posibleng gawing paaralan at ospital.

Ayon kay de la Cruz, chairman ng Committee on Patro­monial Property, mara­ming patrimonial property ang Maynila na hindi nabi­big­­yan ng pansin hanggang sa naka­kam­kam na lamang at idi­nadaan sa illegal na usapin.

Sinabi ni dela Cruz na ma­­­laki ang posibilidad na ma­ha­rap sa usaping legal ang mga taong iligal na umo­okupa sa mga lupaing pag-aari ng pamahalaang Lung­sod ng Maynila.

Sa katunayan umano ay may natukoy na silang “patrimonial property” na naka­pangalan sa ibang tao. Tu­manggi naman si dela Cruz na ibunyag ang panga­lan nito.

Giit ni dela Cruz, may ila­laan naman silang mga relocation site sa mga informal settler.

Ipinaliwanag pa ng kon­sehal na mas mahala­gang mapa­ki­­na­bangan ang mga pag-aari ng city government upang mas maraming mama­mayan ang makinabang.

Dagdag pa ni dela Cruz, layon ni Manila Mayor Alfredo Lim na madagdagan pa ang mga paaralan at ospital sa lungsod kung saan mas ma­rami ang mabibigyan ng tunay na ser­bisyo.

Sa kasalukuyan ang bawat distrito ng Maynila ay may tig-isang ospital na nagbibigay ng serbisyong medikal sa mga mahihirap. 

AYON

CRUZ

DAGDAG

DISTRICT COUNCILOR NI

GIIT

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with