2 biktima ng salvage natagpuan
MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng mga hindi pa nakikilalang lalaki na hinihinalang biktima ng “summary execution” ang natagpuan sa tapat ng isang subdibisyon, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Inilarawan ang unang biktima na nasa pagitan ng edad na 30-40 habang ang ikalawang biktima naman ay nasa 37-45 anyos. Kap wa may mga tattoo sa katawan at mga nakabalot ng mga packaging tape ang ulo at mukha.
Sa ulat ng Caloocan police, dakong alas-3 ng madaling-araw nang matagpuan ng tindero ng taho na si Eduardo Reyes ang dalawang magkatabing bangkay sa Tindalo St. sa Malanting Amparo Subdivision, ng naturang lungsod.
Blangko naman ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga salarin dahil sa kawalan ng saksi.
May hinala ang mga awtoridad na ang dalawang biktima ay pinatay sa ibang lugar at itinapon lang sa nasabing lugar para iligaw ang imbestigasyon ng pulisya.
- Latest
- Trending