^

Metro

'Bar coded stickers' sa bus, simula na

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagkaka­bit ng libreng “bar coded stickers” sa mga legal na may prangkisang pampa­saherong bus bilang bahagi ng pina­igting na kampanya kontra sa mga kolorum na bus na bumibiyahe sa Ka­may­nilaan.

Layon ng pagkakabit ng mga sticker sa may EDSA sa bahagi ng White Plains, Quezon City na mahiwalay ang mga legal na bus sa mga kolorum.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, na­kipagtulungan na rin sila sa Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) sa pinasok na “memorandum of agreement” kung saan nakalahad ang mga panuntunan laban sa mga kolorum na pampa­sa­herong sasakyan.

Inumpisahan ng MMDA at LTFRB ang pag-iimben­taryo sa bilang ng mga pam­pasa­herong bus na bumi­biyahe sa EDSA at sa iba pang pangu­nahing lansa­ngan sa Kamay­nilaan.

Nabatid na imomonitor ng Land Transportation Office ang pag-i-stencil ng chasis number ng bawat bus at kung tutugma sa re­cord ay lalagyan ng sticker. 

Isasagawa ang inspek­syon at paglalagay ng sticker sa mga bus tuwing Sabado at Linggo at aabutin ng tat­long buwan o hang­gang Oktubre 31.

Pagkatapos nito, ang mga bus na walang stickers na bumibiyahe ay huhulihin ng kanilang mga traffic enforcers.

Dahil dito, inaasahan ang pagluluwag ng daloy trapiko sa MM.

BUS

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

LAND TRANSPORTATION FRAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

REGULATORY BOARD

SHY

WHITE PLAINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with