^

Metro

Tatay ni Sarah Geronimo nakaligtas sa kidnap-

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa tiyak na pagdukot ang tatay ng sikat na singer-actress na si Sarah Geronimo mata­ pos na maka­takas ito sa kanyang kidnaper kasa­bay ng pag­dakip sa huli na naganap sa may basement ng ABS-CBN network sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Takot na dumulog sa tang­gapan ng Police Station 10 ng Quezon City Police ang ama ng aktres na si Delfin Geronimo, 55, ng 17 Saint Michael St., Saint Cathedral Executive Village, Tandang Sora, para ire­klamo ang suspect na agad na­mang nadakip na si Paulino Mercado, 43, ng 3008 Co. J. Elises St., Taclong 1st 1, Cavite City.

Sa panayam kay Mang Delfin ng PSN, tinangka umano siyang dukutin ng suspect sa pamamagitan ng pagkuryente sa kanya, pero nagawa niyang ma­kaligtas matapos na ma­ ta­big niya ito at maka­takbo siya palabas ng sa­sakyan.

Nangyari ang insidente sa may basement 1, parking area ng ABS-CBN na ma­tatagpuan sa Eugenio Lopez drive Brgy. South Triangle sa lungsod pasado ala-1 ng tanghali.

Ayon kay Mang Delfin, kasalukuyan siyang uma­asiste sa kanyang anak na nagpe-perform sa ASAP nang tawagin siya ng gu­wardiya dahil may nag­hahanap sa kanyang isang lalake na tauhan daw ng iniindorsong Sunsilk ng anak at may regalong ibi­bigay sa kanya na dapat niyang pirmahan.

Pero dahil ayaw niyang iwan ang anak ay kinausap ni Mang Delfin ang assistant ng anak na ito na la­mang ang kumausap, pero makalipas ang ilang se­gundo ay bumalik ang assistant at siya daw ang kailangang kumuha.

Dahil dito, nagpasya siyang iwan sandali ang anak at pinuntahan ang suspect kung saan dinala siya sa base­ment kung saan nakapa­rada ang isang lumang Hyun­dai van na tampered ang plaka.

Dito ay pinapasok ng suspect si Mang Delfin habang tinitig­nan niya ang mga sinasa­bing regalo ay bigla siyang nakaramdam ng boltahe ng kuryente mula sa kanyang likod.

At dala ng kutob na may masamang mangyayari sa kanya ay agad niyang si­niko ang lalake saka ma­bilis na humingi ng tulong sa mga guwardiya ng na­sa­bing TV network at ina­resto ang suspect.

Ayon pa kay Mang Delfin, wala naman siyang kaaway para gawin sa kanya ang nasabing insi­dente at isa lamang ang alam niyang pakay nito at siya ay kidnapin dahil may mga nakita siyang mga cable wire at natata­bingan ng kumot na nasa likurang bahagi ng van na posibleng doon siya itago kung na­gawa nitong patulugin siya.

Sa ngayon nasa kus­todiya na ng PS10 ang suspect ha­bang patuloy ang pagsisi­yasat sa nasabing insidente. 

AYON

CAVITE CITY

DELFIN GERONIMO

ELISES ST.

EUGENIO LOPEZ

MANG

MANG DELFIN

PAULINO MERCADO

POLICE STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with