300 bahay naabo sa sunog
MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 300 kabahayan ang naabo sa isang sunog na naganap sa Malabon City kamakalawa ng gabi.
Base sa report ng Malabon City Fire Department, nabatid na alas-11 ng gabi nang magsimulang magliyab ang isang bahay sa Sitio Gulayan, Brgy. Catmon ng lungsod na ito.
Mabilis na kumalat ang apoy at nadamay ang mga kapitbahay nito dahil karamihan ay gawa sa light materials. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog kung saan inaalam na ang pinagmulan.
Nabatid na karamihan sa mga kalsada sa nasabing lugar ay pawang mga ginagawa kung kaya nahirapan na makarating ang mga bumbero.
Pansamantalang inilagay sa tennis court ng nasabing barangay ang mga residenteng biktima ng sunog.
- Latest
- Trending















