^

Metro

CA binulabog ng 'bomba'

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nagdulot ng tensiyon ang isang tawag sa telepono na pasasabugin umano ang Court of Appeals (CA)  sa Ma. Orosa St., Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Gayunman, nahimas­masan ang  lahat ng CA personnel nang ideklara ng Manila Police District-Explosives and Ordnance Division (MPD-EOD) na walang bomba na natukoy sa lugar at isang prank caller lamang  na lalaki ang tumawag at natanggap ni security guard Abelardo Cat­bagan dakong alas-6:40 ng umaga.

Sinabi ni MPD-EOD chief C/Insp. Oliver Navales, posib­leng ang tumawag umano ay naglalayon lamang na mag­kagulo at ma-reschedule ang mga pagdinig kahapon sa CA.

Babala umano ng prank caller na “Mayroong bomba dyan sa docket office. Sa­sa­bog yan anumang oras.” 

Agad namang dumating sa erya ang EOD at clear naman umano sa bomba ang  lugar, gamit ang 2 K-9 units sa pag­halughog. Dakong alas-9:30 ng umaga ay nagsibalikan na sa kani­lang tanggapan.

ABELARDO CAT

BABALA

COURT OF APPEALS

DAKONG

ERMITA

GAYUNMAN

MANILA POLICE DISTRICT-EXPLOSIVES AND ORDNANCE DIVISION

OLIVER NAVALES

OROSA ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with